Sana pag namatay tayo, meron tayong 1 week na chance na makita ang lahat ng nangyayari sa mundo o kaya naman sa mga taong nakapaligid sayo. Yung makikita mo kung sino ang pupunta ng burol mo, kung sino ang makikilibing, at sino yung mga taong sobrang maapektuhan ng pagkawala mo.
Kumbaga, huling araw mo na sa mundo, sana bigyan tayo ng chance na makita ang lahat ng ito. Kahit hindi na makausap eh, kasi sobrang imposible na ng hiling na yun. Yung magkaroon ka lang ng vision sa mga taong nalungkot sa pagkawala mo.. Ang hirap kasi nung pag namatay ka, parang wala na lang bigla, yung hindi mo man lang nakita kung ano ginawa sayo after mong mamatay. Tipong, nilibing ka ba nila? Na cremate ka ba? O hinagis na lang sa dagat para maiba naman?
Siguro mas magiging peaceful ang pagkamatay natin nun, pero at the same time malulungkot din. Kasi doon mo makikita yung mga taong hindi nagpaparamdam sayo dati na grabe ang kalungkutan nung nawala ka. Yung mga bagay na naiwan mo sisilayan mo na lang, yung mga mahal mo sa buhay na umiiyak makikita mo, yung taong mahal mo etc.
Sana may isang linggo na vision tayo sa mundo pagtapos natin mamatay. Para makita natin pagkatapos mo ilibing eh maalala ka pa ba nila, kung malungkot pa rin ba sila o kaya naman ramdam ba nila ang pagkawala mo. Basta, nakakatakot talaga mamatay. Lalo na kung pakiramdam mo wala ka pang natatapos sa mundong ito. Sobrang ikli ng buhay ng tao kung iisipin. Napakabilis ng ikot ng mundo ngayon, hindi ba’t nakakabahala na hindi natin alam kung kailan tayo kukunin? Kaya dapat enjoyin mo ang buhay habang nandyan pa.
Kung sino po interested, PM me. :)